- February 5, 2025
- antonreyes

Ang Yes Na All ay naging bahagi ng feeding program ng Project 3 community chapter ng Tau Gamma Phi. Sa programang ito, nagbahagi tayo ng siomai rice para sa kanilang mga napiling benepisyaryo bilang suporta sa adhikain ng grupo na tumulong sa kapwa at palakasin ang diwa ng bayanihan.
Ang pagtutulungan ng ating mga grupo ay isang patunay na walang kampo-kampo pagdating sa pagseserbisyo sa komunidad. Ang ganitong inisyatibo ay patuloy na nagpapalakas ng pagkakaisa at malasakit sa isa’t isa, na siyang tunay na diwa ng Yes Na All.
Maraming salamat sa Tau Gamma Phi – Project 3 community chapter sa pagkakataong maging kabahagi sa adhikaing ito. Sama-sama nating ipagpatuloy ang mga gawaing may malasakit sa ating kapwa.
#YesNaAll #SamaSamangAasenso #WalangKampoKampo